MGA TAONG PAASA. </3
Hindi ko na alam kung ano ba talaga. Dati pinaramdam mo na parang may gusto ka, tapos maya-maya bigla-biglaan ka na lang hindi mamansin. Tapos heto naman akong gaga, nagpakatanga at nahulog. Mahirap yung hindi ka pinapansin ng taong gusto mo diba? Masakit. Mahirap mag-expect kasi madidisappoint ka lang. Eh anong magagawa ko kung di mo na ako pinapansin? Wala naman. Kaya sinubukan kong kalimutan na gusto kita. Pero alam mo, tuwing nakakamove on na ako, ayan ka nanaman, magpapapansin ka biglaan. Kung kailan nawawala na, dun ka papasok ulit sa buhay ko. Bakit ganun ka? Bakit di mo nlng talaga sabihin kung ano ba talaga? Para naman malaman ko kung nag-aaksaya lang ako ng oras sa wala, para naman matapos na ang gulo sa utak ko. PARA HINDI NA AKO MASAKTAN. :|